PUBLIC STATEMENT
February 10, 2022 MAKAKALIKASAN: I-pinal ang D.Q. na desisyon kay Marcos. Salbahin ang Integridad ng COMELEC! Di na kami nabigla sa desisyon na ito ng COMELEC. Umaasa kaming itutuloy ng mga petitioners ang kaso sa Court of Appeals at sa Supreme Court kung kinakailangan upang malinawan ang aplikasyon ng ating mga batas sa tunay na katayuan ni presidential candidate Marcos bilang lehitimo ba o di lehitimong kandidato? Ang mga naging paratang ni retired COMELEC commissioner Guanzon ng undue influence at pressure sa naging decision ng COMELEC at ang kaukulang delay na naging resulta nito ay nagiiwan ng seryosong kuwestyon sa kumpiyansa nating mamayan sa independence at impartiality ng COMELEC. Dahil sa nagumpisa na ang pambansang eleksyon ay lubhang napakahalaga na manumbalik ang kumpiyansa natin sa COMELEC at naway ang mga korte ay kagyat na dedesisyunan ito para sa ganitong kadahilanan. Susi sa isang epektibong makakalikasang pamahalaan na lubhang kailangan na natin ngayon upang maayos na maharap ang sabay sabay na krisis na tumatama sa ating bansa at sa boung sangkatauhan ngayon ay ang tunay at matatag na demokrasya. Ang isang mapagkakatiwalaang COMELEC ay kritikal dito ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746
0 Comments
Leave a Reply. |
PRESS STATEMENTThese are official public statements of the MAKAKALIKASAN Archives
July 2022
Categories |