0 Comments
PRESS STATEMENT | Embargo until 10AM July 05, 2022 MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) proposed 44 executive actions to “Green” the first 100-day agenda of the Marcos-Duterte.2 administration. As an emerging national green party, Makakalikasan-Nature Party Philippines performs its duty and endorses to the Marcos-Duterte.2 government the following 43 proposals to start this government right in the path towards a GREEN NORMAL as we continue to confront our multiple crises of public health pandemic, climate emergency, economic recession, biodiversity collapse and impacts of global wars and conflicts and ensure the protection and welfare of the Filipino peoples and nature and all living beings in this part of the world. OFFICIAL STATEMENT Makakalikasan-Nature Party Philippines June 30, 2022 | Embargo until 4PM Noong matino ang panguluhan, meron pero di sapat ang aksyon sa mga problemang pangkalikasan. Noong palpak ang panguluhan, lalong kulang ang aksyon sa problemang pangkalikasan at lumalala pa ang maraming mga polisiya at programang may epekto sa aksyon sa kalikasan at klima. Ngayong kinakatakutan ang bagong gobyerno dahil sa mga maraming unresolve na mga isyu ng nakaraan at sa kawalan ng paglilinaw sa kanilang mga plano at programang pang kalikasan at related na isyung pangkalikasan, mas magiging mabuti kaya ang aksyon sa kalikasan at sa nagbabagong klima? OFFICIAL STATEMENT | May 13, 2022
Nagpulong ang Pambansang Konseho ng Makakalikasan (Nature Party Philippines) kagabi at batay sa aming kakayanan, kaalaman at hawak na kasalukuyang impormayon ay aming pinag-aralang mabuti kung may sapat o konkretong pruweba para sabihing nagkaroon nga ba talaga ng sistematiko at malawakang pandaraya sa katatapos lang na eleksyon? PUBLIC STATEMENT
February 26, 2022 MAKAKALIKASAN: I-re Cooperativize ang ALECO at Bawiin sa Control ng SMC Kaisa ng ARM (Aleco Resistance (Recover/Reform) Movement) ang Makakalikasan sa hakbang nitong pagbawi sa kontrol ng San Miguel Corporation at iba pang kilalang malalaking kompanya sa pagpapatakbo ng electric cooperatives. Bagamat nakabase sa Albay at nakatutok sa usapin ng Albay Electric Cooperative, naniniwala ang Makakalikasan na ang hakbang na ito'y simula lamang ng unti-unting pagbabalik sa kamay ng mamamayan ang mga pakinabang at totoong pamamahala ng mga may-ari-kasapi-konsumidores sa kooperatiba elektrika sa buong bansa. Kaugnay rin ito sa ligal at maayos na pagbawi sa mga likas yaman pang-enerhiya kabilang ang mga renewables na geothermal, hydro, wind at solar power plants na nagkalat sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ang gagawing pag-uusap ay isa lamang sa paglilinaw kung paano makatulong ang prosesong KABAN (Kilusang Balik Nakaw) ng ARM sa pagbawi ng mga dinambong ng mga elitistang bilyonaryo kasabwat ng mga trapolitiko. Naniniwala ang mga pinuno ng ARM na malaking tulong ang mga electric cooperatives sa pamahalaang Leody De Guzman, isang tunay na alyansang sosyalista-kalikasan, kung mababawi sa pag-angat kabuhayan ang pamamahala sa mga ito. ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746 PUBLIC STATEMENT
25 Pebrero 2022 MAPAYAPANG AKTIBONG PAGKILOS: ANG TUNAY NA LEGASIYA NG EDSA 1986 20% lamang nga mga nabubuhay na Pilipino ngayon ang may personal na alaala sa nangyari sa EDSA People's Power Revolution noong 1986, 36 na taon ng nakakaraan. Ang dami ng naibatong papuri at kritisismo kung naging matagumpay ba o hindi ang EDSA Peoples Revolution. Sa gitna ng dalawang extremes na ito ay sandamukal na mga fake news at historical revisionisms. Nakikiisa ang MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) sa pagpapaalala sa lahat na ang tunay na legasiya ng EDSA noong 1986 ay ang sa pangkalahatan na MAPAYAPANG AKTIBONG PAGKILOS o Active Non Violence (ANV) na naging climax ng mahaba ding laban ng maraming Pilipino at pinagsakripisyuhan ng maraming buhay na nagtapos sa conjugal na diktadura ni Ferdinand Marcos at ni Imelda Marcos. Walang uri ng rebisyunismo ang makakapagbago ng katotohanang ito. Kung ano man ang naging resulta pagkatapos ng mapayapang rebolusyon na ito at kung ano man ang naging kahinaan, pagkukulang o mga dagdag na pahirap at pagyurak pa muli sa mga karapatan ng Pilipino pagkatapos ng EDSA revolution ay pananagutan na ng mga nsa kapangyarihan noon. Hindi nito sinisira ang kabuuang kahalagahan ng EDSA 1986 Peoples Revolution mismo. Ang MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ay naninindigan sa Mapayapang Aktibong Pagkilos o Active Non Violence (ANV) bilang isa sa mga pangunahing unifying principles na gumagabay sa aming gawain bilang isang umuusbong na makakalikasang partido pulitikal. Ito ang aming pinagdidiwang sa araw na ito. MABUHAY ANG HARING BAYAN NG KAPULUANG ITO. MABUHAY ANG AKTIBONG MAPAYAPANG PAGKILOS! Ituloy natin ito sa mga kasalukuyan nating mga pagkilos upang maabot ang isang tunay na likas kayang bansa at planeta. ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746 DOWNLOAD English version here: (available soon) Read the English Version here: (available soon) PUBLIC STATEMENT
25 Pebrero, 2022 ITIGIL ANG GIYERA SA UKRAINE Mariing kunukundena ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang giyerang sinimulan ng Russian Federation laban sa soberenyang bansang Ukraine. Wala pong kahit ano mang justification sa kahit ano mang giyera upang itulak ang pagbabago sa isang lipunan o upang resulbahin ang mga problema nito. Kamatayaan, kasiraan at kahirapan lamang ang maidudulot nito sa lahat. Kailangan maagapan ito ng mapayapang pagreresulba ng hidwaan bago pa ito ay lumawag at idamay ang mas malaking bahagi pa ng mundo. Gayunpaman, aming kinikilala ang incirclement na ginagawa ng mga bansang nsa loob ng NATO nag nagdulot ng ganitong reaksyon na ito mula sa Russian Federation. Kung gaano natin kinukundena ang giyerang dala ng Russia ay kinukundina din natin ang pagigipit na ginagawa ng NATO. Pinananawagan namin ang kagyat na paglikas at suporta sa mga OFWs/Filipinos abroad na nsa Ukraine at karatig na bansa at nananawagan kami na itigil ng Russia ang kanyang giyera at pumasok sa isang mapayapang diplomasya para maresulba ang ugat ng hidwaang ito. Pinananawagan din namin na wag umaksyong militar ang NATO dahil ito ay magpapalala at mag eescalate lamang sa problema. Imbis gawin ito ay dapat alisin ng NATO ang kanilang mga forward missile systems sa mga borders ng Russia. Hindi po kailangan ng mundo kahit kailan ang ano mang giyera. Dahil tayo ay kumakaharap na sa napakaraming multiple na krisis ng pandemya/kalusugan, economic recession/kahirapan, nagbabagong klima at collapse ng saibuhay (biodiversity) na kailangan nating tutukang iresulba, wala na pong puwang sa mga panibagong giyera. Bigyan po natin ng pagkakataon ang kapayapaang mangibabaw. Ang isang maari nating matutunan dito na puede ring magawa natin sa sarili nating kalagayaan sa Pilipinas sa mga conflicts natin kasama din ng mga world super powers (US, China) dito sa bahagi natin ng mundo ay ang pag aadopt ng mga bansang naiipit sa mga nagbabangaaang interests ng mga superpowers ng NON-ALIGNMENT. Non-alignment labas sa mga geo-political na dynamics na ito ng mga super powers at pag adopt imbis ng independent foreign policy batay sa ecological security, conservation for future use. ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746 PUBLIC STATEMENT
February 10, 2022 MAKAKALIKASAN: I-pinal ang D.Q. na desisyon kay Marcos. Salbahin ang Integridad ng COMELEC! Di na kami nabigla sa desisyon na ito ng COMELEC. Umaasa kaming itutuloy ng mga petitioners ang kaso sa Court of Appeals at sa Supreme Court kung kinakailangan upang malinawan ang aplikasyon ng ating mga batas sa tunay na katayuan ni presidential candidate Marcos bilang lehitimo ba o di lehitimong kandidato? Ang mga naging paratang ni retired COMELEC commissioner Guanzon ng undue influence at pressure sa naging decision ng COMELEC at ang kaukulang delay na naging resulta nito ay nagiiwan ng seryosong kuwestyon sa kumpiyansa nating mamayan sa independence at impartiality ng COMELEC. Dahil sa nagumpisa na ang pambansang eleksyon ay lubhang napakahalaga na manumbalik ang kumpiyansa natin sa COMELEC at naway ang mga korte ay kagyat na dedesisyunan ito para sa ganitong kadahilanan. Susi sa isang epektibong makakalikasang pamahalaan na lubhang kailangan na natin ngayon upang maayos na maharap ang sabay sabay na krisis na tumatama sa ating bansa at sa boung sangkatauhan ngayon ay ang tunay at matatag na demokrasya. Ang isang mapagkakatiwalaang COMELEC ay kritikal dito ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746 Makakalikasan Stands by Guanzon. DQ case decision must be released now!
An independent COMELEC is key to a functional representative democracy. Failure of such will necessitate direct democracy to prevail. Central to the realization of the green agenda is a healthy democracy that must continue to prevail in the country. We sternly warn COMELEC Commissioner Ferolino and the rest of COMELEC 2nd division to delay the release no longer. We also encourage Commissioner Guanzon to reveal the Senator who is trying to sway the vote and delay the decision of COMELEC so the people can deal with him/her appropriately. We deserve to know if aspirant Bongbong Marcos is eligible or not as a candidate for the Presidency. --- Lubhang nakababahala ang drama sa COMELEC. Kung bago pa lang ang eleksyon hindi na sila nagkakasundo at hindi na sumusunod sa protocol ng kanilang ahensya maaasahan ba natin na maging malinis at walang bahid ng panlilinlang ang eleksyon sa Mayo? Ano ba ang dahilan ni Comm Ferolino sa pag-antala ng decision ng division nila sa disqualification case ni Bongbong Marcos? Bakit anlakas ng loob nyang sumuway sa immediate superior nya? Totoo kayang may malaking tao na nasa likod nito? Nakikiisa ang Makakalikasan sa tayo ni Comm Guanzon na ilabas na ang disisyon sa mga kasong pagpapawalang bisa ng kanidatura ni Bongbong Marcos. Naniniwala ang Makakaliksan na kailangang pagpasyan na ito at ipaalam sa taumbayan ang kanilang desisyon. Hindi kailanman maisusulong ang mga adhikaing pangangalaga ng Kalikasan kung walang tunay na demokrasyang umiiral sa bansa. Ano ang kwento? Sakaling manalo si BBM at lumabas ang disqualification nya, sakaling manalo si Sara Duterte bilang VP, sya ang papalit dito! Aba, another Duterte presidency? Talagang pinagloloko tayo ng dalawang pamilyang ito! Pinaikut ikot na tayo sa kanilang rigodon sa pagtakbo, tapos hindi pala. Ngayon naman e naglalatag ng isang narrative na tayo pa rin ang talo! Magising na nawa tayo! Manggagawa at mga magsasaka magkaisa na! MANGGAGAWA NAMAN! ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746 Kinukundina ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang makitid na pananaw ng GMA 7 sa pagpili lamang ng inaakala nilang nangungunang kandidatong pagkapangulo sa recent na Presidential Candidate interview nila.
Wala po sa tamang disposisyon ang isang media outfit tulad ng GMA7 upang sila ang mag desisyon kung sino ang tunay na nangunguna sa mga Presidentiable. Tanging boto lamang sa eleksyon ang nakakagawa nito. At lalong napaka mali para sa isang media outfit na ilimita ang sino man sa sasampu na nga lang na kandidato sa pagka pangulo sa public debate na ito. Wala po kaming makitang justifiable na rason para gawin ito. Ang eleksyon sa 2022 ay napaka kritikal dahil nakasalalay dito ang susunod na 6 na pinaka kritikal na taon sa ating pagharap sa existential na threat ng pagkasira ng kalikasan sa buhay nating mga tao; lalong lalo na ang mga mahihirap na karamihan sa ating mga mamamayan at karamihan sa ating mga botante. Pinaka bulnerable ang mahihirap at masa sa mga masamang epekto ng pagkasira ng kalikasan. At dahil tayo ay humaharap sa multiple crises na di lamang krisis ng kalikasan kundi krisis din ng kalusugan, krisis sa ekonomiya at trabaho at krisis sa kalikasan. Obligasyon ng GMA7 at lahat ng media outfit na bigyan ng boses ang LAHAT ng kandidato at partido na may kandidatong pang panguluhan na ipaliwanag ang kani kanilang mga pananaw sa samut saring isyu ng ating lipunan at ang kanilang mungkahing mga solusyon. Lalong lalo na ang kandidatong tunay na kumakatawan sa interes ng mga masa at mahihirap dahil mula siya/sila dito. Isang pagyurak sa ating demokrasya ang paglilimitang ginawa ng GMA7. Umaasa kami na kanila itong aayusin sa mga susunod na araw bilang pagtugon sa kanilang obligasyon. Gayunpaman ay aming iniindorso ang pagsasarili ng Presidential Candidate ng Partido Lakas ng Masa (PLM) na si Ka Leody de Guzman na sa sarili ng inisyatibo ay sasagutin nya, tulad ng isang humble na aplikante sa isang trabaho ang mga tinanong sa presidential na interview na ito. Panoorin po natin ngayong gabi, alis 6:15PM sa: www.www.facebook.com/partidolakasngmasa Roy Cabonegro | National Chairperson | Email: [email protected] | Cellphone 0966 3718760 |
PRESS STATEMENTThese are official public statements of the MAKAKALIKASAN Archives
July 2022
Categories |