PUBLIC STATEMENT
February 26, 2022 MAKAKALIKASAN: I-re Cooperativize ang ALECO at Bawiin sa Control ng SMC Kaisa ng ARM (Aleco Resistance (Recover/Reform) Movement) ang Makakalikasan sa hakbang nitong pagbawi sa kontrol ng San Miguel Corporation at iba pang kilalang malalaking kompanya sa pagpapatakbo ng electric cooperatives. Bagamat nakabase sa Albay at nakatutok sa usapin ng Albay Electric Cooperative, naniniwala ang Makakalikasan na ang hakbang na ito'y simula lamang ng unti-unting pagbabalik sa kamay ng mamamayan ang mga pakinabang at totoong pamamahala ng mga may-ari-kasapi-konsumidores sa kooperatiba elektrika sa buong bansa. Kaugnay rin ito sa ligal at maayos na pagbawi sa mga likas yaman pang-enerhiya kabilang ang mga renewables na geothermal, hydro, wind at solar power plants na nagkalat sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ang gagawing pag-uusap ay isa lamang sa paglilinaw kung paano makatulong ang prosesong KABAN (Kilusang Balik Nakaw) ng ARM sa pagbawi ng mga dinambong ng mga elitistang bilyonaryo kasabwat ng mga trapolitiko. Naniniwala ang mga pinuno ng ARM na malaking tulong ang mga electric cooperatives sa pamahalaang Leody De Guzman, isang tunay na alyansang sosyalista-kalikasan, kung mababawi sa pag-angat kabuhayan ang pamamahala sa mga ito. ------ Jocelyn Sabio National Spokesperson email: [email protected] | Cell number 09154001305 | 09224631746
0 Comments
Leave a Reply. |
PRESS STATEMENTThese are official public statements of the MAKAKALIKASAN Archives
July 2022
Categories |